GULAMAN AT SAGO RECIPE
MGA SANGKAP: 1 tasang asukal 2 tasang tubig 1 bara ng gulaman (walang kulay), binabad sa tubig at pinatulo 2 tasang sago, niluto PARAAN NG PAGLUTO: Sa isang kaserola, tunawin ang asukal at tubig hanggang makagawa ng arnibal. Ilagay ang gulaman at haluing maigi. Salain at ilagay sa isang baking pan palamigin at hiwain ng pakuwadrado. Para sa sago, gayahin ang paggawa ng gulaman. Paghaluin sago at gulaman. Ihain kasama ang kinudkod na yelo. Mas masarap ang gulaman at sago kung lalagyan ng gatas na evaporada.